ANG ALAMAT NG PAYONG

       


             ANG ALAMAT NG PAYONG

   Noong unang panahon sa nayon ng    Tinurik sa Batangas, mayroong dalawang magkaibigan na nagngangalang Pepay at Yayong. Silang dalawa ay may bathala na si Garu. Madaming kalalakihan ang humahanga at nahuhumaling sa kagandahan at katalinuhan ni Pepay, at ito ang lubos na ikinainggit ni Yayong.

    “Bakit madaming kalalakihan ang humahanga kay Pepay, samantalang sa akin wala?” nagdadalamhating katanungan ni Yayong sa sarili. Napansin ito ni Pepay na waring may pinagdaraanan si Yayong, kaya agad siyang pumunta sa kanilang bathala at ibinalita ito.

    “Bathala Garu, waring si Yayong ay may matinding pinagdaraanan na problema, ayokong nakikita siyang malungkot, gumawa tayo ng paraan upang siya’y mapasaya.” balita ni Pepay.

     “Dapat lamang na magkaroon tayo ng isang pagtitipon sa palasyo. Magimbita ka ng mga kaibigan nyo, sa ganitong paraan, baka mapawi natin ang kalungkutan nya at masolusyunan ang kaniyang problema.” saan ni bathala Garu.

      “Masusunod, bathala!”

     At nang naisagawa na nila ang pagtitipon, waring hindi parin nasiyahan si Yayong. Hanggang sa...

    “Yayong,napansin ko na ilang araw ka ng nagdadalamhati, ano ba ang iyong problema?” seryosong pagtatanong ni Pepay.

    “Wala Pepay, wala.” maikling kasagutan ni Yayong. 

     Sa tuwing nakakaroon ng problema si Yayong, nariyan si Pepay upang siya’y damayan. Lumuha man, o kahit masaya, nariyan lamang si Pepay sa tabi ni Yayong. Ngunit ang ipinagtataka ni bathala Garu, wala lamang pakialam si Yayong sa mga pagtulong ni Pepay sa kaniya.

     “Pepay, handa ka bang ialay ang sarili mong buhay para lamang sa matalik mong kaibigan na si Yayong?” matinding katanungan ni bathala Garu. 

       “Opo bathala, opo, para lamang sa aking minamahal na kaibigan, Handa po ako.” saad ni Pepay. 

      At dahil ayon kay Pepay, handa siyang ialay ang sarili niyang buhay para kamang kay Yayong, nagkaroon ng ideya si bathala Garu. 

      “Pepay, isusumpa kita na magiging pang sangga ka sa kasiyahan o kalungkutan ng iyong matalik na kaibigan na si Yayong. Umulan man o umaraw, nariyan ka upang samahan si Yayong. Tatawagin ko itong PAYONG na pinagsamang pangalan niyo ni Yayong.” maliwanag na pa pahayag ni bathala Garu. 

      Nagulat si Yayong sa mga nangyari. Napag isip-isip niya na dapat pinahalagahan niya ang mga pagtulong ni Pepay sa kaniya noong siya’y tao pa. 

      Simula noon, araw-araw ng dala ni Yayong ang Payong upang maging handa sa pag-init o pag-ulan.







      










Comments

Post a Comment