ANG ALAMAT NG PAYONG

ANG ALAMAT NG PAYONG Noong unang panahon sa nayon ng Tinurik sa Batangas, mayroong dalawang magkaibigan na nagngangalang Pepay at Yayong. Silang dalawa ay may bathala na si Garu. Madaming kalalakihan ang humahanga at nahuhumaling sa kagandahan at katalinuhan ni Pepay, at ito ang lubos na ikinainggit ni Yayong. “Bakit madaming kalalakihan ang humahanga kay Pepay, samantalang sa akin wala?” nagdadalamhating katanungan ni Yayong sa sarili. Napansin ito ni Pepay na waring may pinagdaraanan si Yayong, kaya agad siyang pumunta sa kanilang bathala at ibinalita ito. “Bathala Garu, waring si Yayong ay may matinding pinagdaraanan na problema, ayokong nakikita siyang malungkot, gumawa tayo ng paraan up ang siya’y mapasaya.” balita ni Pepay. “Dapat lamang na magkaroon tayo ng isang pagtitipon sa palasyo. Magimbita ka ng mga kaibigan nyo, ...